Sunday, September 4, 2011

The Right Time Chapter 4


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


CHAPTER 4

“salamat ah.” Ang pabulong ko na sabi kay Rome.

“Para saan?” balik na bulong nya sa akin..

“Dahil kung hindi dahil sayo. Malamang nasa Computer shop nanaman ako ngayon para aliwin lang sarili ko. Salamat talaga.” Ang sinsero kung sabi sa kanya.

“hoy! Anu binubulong bulong nyo jan? Ang daya nyo ah.” Reklamo agad ni Red ng makita kaming nag bubulungan ni Rome.

“hah? Wala no! sabi ko lang kay Rome na babaero ka talaga.” Ang sabi ko na agad naman nyang binara.

“Babaero? Maniwala ka dyan kay Carlo. Wala akong girlfriend noh! akala lang nila na girlfriend ko sila.” Ang  mayabang na depensa ni Red.

“YABANG!” sabay sabay naming komentong tatlo na pinagtawanan lang ni Red.


Nag dinner kaming anim sa Jollibee. Puro kwentohan, tawanan at kung anu-anu pang kalokohan. Don ko lang ulit na ramdaman ang ganung saya.  Bigla ko ulet naalala ang dawalang taon ko sa STEFTI ganito kami mag harutan ng mga ka barkada ko doon. Hiling ko nalang na sana di na maulit ang nang yari noon. buong  akala ko mag tatapos ako nang high school na walang kaibigan man lang.




6 months ang lumipas at lalong naging mas matatag pa ang samahan naming pito. Pero ang mas naging close sa akin ay sina Antonet, Red at Rome. Yung iba naman close ko rin naman pero hindi ganun ka close sa tatlo.


Favorite day of the week Friday. Maaga akong nagising dahil sa isang tawag sa cp ko.

“hello?” ang bati ko sa tumawag sa akin di na inabala ang sariling tingnan sa screen kung sino ang tumatawag.

“Supah Ace gising na!!” malakas na sabi sa kabilang linya.

“Dapat talaga sumisigaw ka? Ang aga aga!” ang maktol kung sagot sa kanya.

“Oo! Para di kana matulog ulit. Dali bangon kana dyan pupunta ako dyan sabay tayo punta ng school.” Si Rome.

“huh? Bakit kailangan pa nating mag sabay? Di mo naba alam daan papuntang school at kailangan mo pa akong disturbohin? Galit ko paring sabi sa kanya sa inis na ginising nya ako.

“Eh kasi po nag txt sa akin si Carlo hihintayin nila tayo sa tambayan dahil may sasabihin daw sya.” Si Rome

“ayon naman pala. Sayo naman pala nag txt eh bakit nadamay ako?” sagot ko sa kanya.

“ang init naman ng ulo mo Supah Ace. Cge na please bangon kana maliligo na ako. See you after 30 mins!!” end call


Wala na ako nagawa kung hindi maligo at mag bihis. Ligong ibon lang ginawa ko dahil baka dumating na si loko at mangulit nanaman.


“MANAG LETH DON NALANG AKO SA CANTEEN NAMIN MAG BREBREAKFAST WAG NA PO KAYO MAG ABALA MAG HANDA!” Ang Pasigaw kung sabi kay Manag leth mula sa aking kwarto habang nag lalagay ng wax sa aking buhok.


Pag kababa ko nagulat ako nang makita ko si Rome na nasa hapag na at lumalamon. Agad naman syang lumingon sa akin at ngumiti sabay sabing “Good morning Supah Ace!tara breakfast tayo ang sarap ng luto ni nanay.”


“akala ko ba nag mamadali tayo? Bakit nakuha mo pang lumamon dyan.” Ang nakangiti ko nang sabi sa kanya sabay upo sa harapan nya para kumain na rin. Nagutom nga ako sa amoy nang niluto ni Manang. As usual  wala sina mama at papa nasa Singapore for business trip.

“sabi ko pa naman kay Manang na wag nalang mag handa kasi di ako kakain.” Sabi ko ulit.

“nagutom ako sa amoy ng sinangag at hot dog eh kaya nang ayain ako ni Nanay na kumain, di na ako humindi. Di rin kasi ako nag almusal sa bahay sawa na ako sa luto nila doon.”


Di na lang ako sumagot at kumain na rin. Pogi talaga ni kolokoy at ang bango bango. Isama mo pa ang ayus ng buhok na bagay sa mukha nya.

After naming kumain ay deretso agad kami sa school. Nag pahatid kami sa driver namin tulad ng lagi kung ginagawa sa tuwing papasok ako. Hindi pa kasi ako pinapayagan mag drive ng dad ko kasi wala pa akong drivers license.

Lumakad na kami ni Rome papunta sa Tambayan namin para makausap at malaman kung anu ang sasabihin ni Carlo. Halatang maraming may crush kay kolokoy lahat sila napapalingon pag dumadaan kami. yung iba naman napapatigil sa kanilang morning chikahan at nag bubulungan. Sya na ngayon ang Campus Crush pangalawa nalang si Red.  Yung favorite spot ko nung mga panahon na mag isa lang akong kumakain tuwing recess at lunch break, yon ang ginawa naming tambayan. Maganda ang tambayan namin dahil nasa likod sya ng buong campus kaya di kami ma iisturbo at di rin kami makaka sturbo ng iba. Maraming mga puno ang nakapaligid kaya mahangin at presko ang dating. Gumawa kami ng upuan sa ilalim ng malaking puno ng Manga para lahat kami maka upo since na nadagdagan kami ng lima.

“Ang tagal nyo naman 20 minutes nalang at flag ceremony na my geyyd!!.” ang reklamo agad ni Angela di paman kami masyadong nakakalapit sa kanila.

“Good morning too.” Ang sarcastic kung sagot kay Angela.
“sorry naman. Lumamon pa kasi itong monster na kasama ko kaya kami natagalan.” Biro kung sabi sa kanila. Kamot lang ng ulo ang sinagot ni Rome halatang nahiya.
“Good morning Arl and Ervin.” Ang nakangiting bati sa amin ni Antonet.

“Guys punta tayo sa Resort namin sa Kuting  tutal Friday naman ngayon walang pasok bukas don natin celebrate ang Christmas party ng barkada. Ok na sa kanila nasabihan ko na, tagal nyo kasi eh kayo nalang ang hinihintay namin. Mamaya tayo aalis after class don tayo hangang Sunday.” Ang singit agad ni Carlo di pa man kami nakakapag Good morning too kay Antonet.

“Kuting?” ang magkasabay naming tanong ni Rome.

“Yep. Isang small island na binili ni mommy para gawing private resort. Para sa mga honeymooners at kagaya nating mag babarkada. May bahay kami don at ang source ng electricity doon is generator kaya di kayo ma bobored.”

“OHHH YEAHH!!Sakto kasi hindi ako aattend sa Christmas Party natin next week.” banat agad ni Mina.

“ako rin! Sure naman kasi ako na boring ang Christmas Party natin kaya sama nalang ako sa parents ko puntang bohol! Bongga diva??!” si Angela

Natatawa talaga ako dito kay Angela sobrang epal lang.

“hmmmm ask Supah Ace. Pag go sya go din ako.” Sabi naman ni Rome.

“bat ako? Wala ka bang sariling desisyon? Adik ka talaga.” Angal ko naman sa sinabi niya. Pero deep inside kinilig ako.. ayay!!!

“Coz you’re the boss!” Sabay pisil sa pisngi ko na lalong nag pakilig sa akin.

“Ang cheesy!! Kaloka!!” epal na sabi ni Angela at Mina.

Tiningnan ko ang reaction ng iba naming barkada pero nakangiti lang sila except kay Red na blanko ang expression ng mukha.

“ok cge sama kami.” nakangiti kong sabi sa kanila. I don’t want to disappoint them. Specially Rome alam ko kasi na gustong gusto nya pumunta ng dagat para makapag surfing ang kaso sa lugar namin hindi malalakas ang alon. Kaya di nya magawa ang sport nya.

“ALRIGHT!!!” sigaw nilang lahat.

 Hindi na kami pumasok nung hapon since na busy naman ang buong school for Christmas Party Preperation. Agad kaming nag si uwian para makapag pack-up at makapag handa. Napag desisyonan ng barkada na 500 each kada isa para sa aming pagkain, Finger Foods para pantawid gutom at para sa pulutan. Si tonet naman daw ang bahala para sa mallow na pag tritripan namin sa bonfire at softdrinks  since na may grocery store sila ambagan nalang kasi kami sa kung anu ang pwedi naming dalhin pang dagdag.  Aside sa 500 each. Kada isa sa amin kailangang mag bigay ng 300 para sa rerentahan naming Van na mag hahatid sa amin sa area kung saan malapit ang resort nila Carlo. Ang nakaka excite pa eh sasakay pa daw kami ng Bangka para ma rating namin ang Island resort nila.

Dumating kami sa Island Resort nila Carlo 4.30pm. Kahit na takot pa rin ang tatlong babae naming kasama dahil sa malakas na alon bigla silang nabuhayan pagkakita sa resort. White sand ito at sobrang ganda. Wala mang swimming pool bawi naman sa view at sa blue na  tubig dagat. Kita ko rin ang saya sa mata ni Rome ng makita ang malalakas na alon. Alam ko na kung anu nasa isip ng lokong yon kaya agad ko syang binulungan.

“satisfied?”

“Super duper satisfied!Di nga nag sisinungaling si Carlo nung sabihin nyang malakas ang alon dito.” naka ngisi nyang sagot sa akin.

“guys ipasok na muna natin ang mga dala natin sa bahay. The Rest house has 5 rooms. Girls, u stay on one room at kaming apat naman eh sa isang room. One more thing Girls, you will be the one in charge of the kitchen. Kami namang mga boys ang mga masunuring alalay nyo. Kami rin ang mag huhugas para patas.” Ang naka ngising sabi ni Carlo.

“Fair enough.” Sagot naman ni Tonet.

Pumasok na kami sa Rest House nila Carlo. Namangha kami sa ganda nito. Simple lang ang mga appliances pero halatang eligante pang mayaman talaga. Sa first floor is sala at kusina na walang divider. Sa gitna naman nito ang hagdan papunta sa second floor kung saan nan doon ang Limang kwarto.

“yang kwarto na nasa gitna ay ang personal room ni Mommy at daddy kung nan dito sila. ” Pag bibigay impormasyon sa amin ni Carlo.

“ang ganda naman dito Carlo! This is simply amazing! Yung rest house namin sa Batangas di ganito ka ganda.” ang manghang sabi ni tonet.

“TAMA!!” pag sangayon nina Mina at Angela.

“Pang sosyal talaga ang dating” Dagdag pa ni Angela.

“simula ng mabili ni mommy itong Island. Agad nila itong denivelop ni daddy para pagkaperahan at the same time para may mapag bakasyunan kami.” ang nakangiting wika ni Carlo.

Sinimulan na namin ang 2 nights at 3 days Christmas vacation namin. After naming kumain ng dinner at mag hugas, agad kaming lumabas para mag inuman at simulan ang bonding namin. May mga tama na kami at nag sisimula na ang kulitan at harutan.
“Guys Cheers para sa ating pito! Sana kahit hiwa- hiwalay na tayo sa college patuloy parin ang ating samahan and when time comes na pare-pareho na tayong successful sa mga careers na pinili natin, sana magkita kita ulit tayo at ipag patuloy ang samahan nating ito! Cheers!!” ang may tama nang sabi ni Tonet.
“Cheers!!”
“may suggestion ako! To make this night more exciting mag spin the bottle tayo pero puro truth lang. that way matatanong natin lahat ang gusto nating itanong sa isat isa. Kung sinu ang matapatan ng bottle sya ang nasa hot seat. Tatanungin sya isa-isa. Anu game? Sa lahat ng idea ni Angela ito ang pinaka pangit!
“even personal questions?” naniniguradong tanong ni Tonet.
“but of course!! Barkada tayo. Dapat walang secret. Maganda ngayon eh para ma open natin sa isat isa ang mga bagay na kinikimkim natin. Anu deal?” lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni Angela. Halatang seryoso ito sa naisip na laro. Ang iba naman naming kasama ay di rin maitatangi ang mag excite.

“game ako dyan!” sagot agad nina Mina at Tonet.

“ako rin! Game ako dyan!” si Carlo
Tumingin naman ako kay Red at Rome sila nalang kasing dalawa ang hindi pa nag bibigay ng reaction sa naisip ni Angela. Pareho silang nasa gilid ko. Si Rome sa left side at si Red sa right side.

“hoy! Kayong tatlo anu game ba kayo?” pangungulit pa ni Carlo.

“ahh..ehh..” nag aalangan kung sagot pero biglang pinutol ni Red.

“Game kaming tatlo! Umpisahan na yan!” na kina bigla ko akal ko kasi di nya papatulan ang idea ni Angela.Abat!! bakit na damay kami ni Rome sa desisyon nya? Anu kaya nasa isip nitong lokong to.

“HOY ARL!” ang sigaw ni Angela.

“Oh!?” nabigla kung sagot dahil busy ang utak ko. Nararamdaman ko kasi na may masamang binabalak ang mga lokong to.

“game na daw! Lasing ka naba? Bakit bigla kang natahimik dyan?” Si Angela ulit.

“ah eh.. Oo parang may tama na nga ako. cge cge game.” Ang wala sa isip kung pag payag.

Pinaikot na nga nila ang lalagyan ng Mineral water. Sa kasamaang palad sa akin pa talaga huminto. Nakita ko silang nag sipag ngisihan sa isat isa. Parang naka planu na talaga ang lahat. Patay ako nito!!Siguro it’s about time na malaman nila ang past ko. Bahala na si batman!

Itutuloy:


Friday, September 2, 2011

The Right Time Chapter 3


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

_____________________________________________________________

CHAPTER 3




Dumating ang Lunes at oras na para sa report namin sa English kay Ma’am Ramos. “Okay class let's start with the presentation on the outcome of your investigations on your partners to the group." Napangiti na lang ako sa ginamit na term ni Mrs. Ramos. "The objectives of this activity are as follows: help you boost your self confidence, build rapport to each other and further know them and to open anything that we 'should' know from you. Without any further ado, Mr. Ruales will be our first presentor. Give him a round of applause.”

Nagsipalakpakan naman mga kaklase ko. Bagama't gulat ang lumatay sa mukha niya ay tumayo pa rin ito sa harapan. Tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago nagsalita.

"Good morning classmates." Panimula niya. "One week isn’t enough for me to gather enough information for you guys to know all about Arl Christopher Earl. Well. Ace, as what his parents and close friends call him, is a nice person though most of you, I’m sure, misunderstood him by being snobbish. He’s not. He is the kind of person which I call reserved. He doesn’t want to share some of his burden to anyone. But if you will only take your time to know him more, you will come to realize that Ace is more than that. He is easy to deal with as long as you know how to please him. I don’t know the reason for him acting that way but I’m pretty sure that every act of a person has a corresponding reason, enough for us to understand. What made me say so? Well, as we all know he was the first person whom I talked to, aside from being my seatmate. When I first entered the room, he was the first person that caught my attention. He was grumpy indeed but in spite of that grumpiness impression, I sensed that there is a soft side inside of him. That’s why we became friends, no, not just friends but Best friends! Ayt Supah Ace?” (Patanggal ako nang pagkaka-italic nito)

Naririnig ko ang bulungan ng mga ka klase ko about sa pinag sasabi ni Rome. Di ko inexpect na ganun ang sasabihin nya. Sa mga araw kasi na mag kasama kami eh lagi lang naman syang tahimik. Yon pala eh minamanmanan nya ang mga kilos ko. Halos maiyak ako sa mga sinabi nya. Totoo lahat,tagus lahat sa puso ko. Pinipilit kung maging aloof sa mga ka klase ko kahit gustong gusto ko nang sumali sa mga usapan nila kasi natatakot ako na baka maulit ang ng yari noon sa dati kung pinapasukan. Ayaw ko na ng magulong mundo kaya ako nag transfer sa school na ito. Ganun naba ako sa transparent sa kanya. Sa loob ng 7 araw natumbok nya lahat about sa akin. Sa totoo lang ako di ko pa sigurado kung sino ba talaga si Rome.

“Supah Ace? Bakit supah ace ang tawag ni papa Ervin kay Arl?” bulong ng babaeng isa naming ka klase sa harapan ko. “Ewan ko nga rin eh. Pero alam mo sabi ng pinsan ko na dating ka klase ni Arl sa STEFTI masayahin daw yang si Arl dati, pala tawa daw yan pero biglang nag iba daw.” Na bigla ako sa sinabi ng katabi nya na si Mina Morales. Pinsan pala sya ng ka klase ko dati sa STEFTI ang skwelahan na sinumpa ko na. Ang skwelahan kung bakit nag iba ang takbo ng Masaya kung buhay bilang high school.

ito pa ang isa girl, wag ka ma shock ha. Sabi pa ng pinsan ko may scandal daw yang si Arl and take note hindi babae ang ka partner nya kundi lalaki!.” Biglang nag init ang aking mata sa labis na puot at hiya mabilis akong tumayo sabay sabi kay Ma’am “Ma’am Please excuse me. I need to use the toilet.”  Ang garalgal kung pag kakasabi sabay takbo agad palabas kahit hindi pa pumapayag si Ma’am  kasi alam kung tutulo na ang mga luhang pilit kung pinipigilan. Narinig ko pang nag salita ang kausap ni Mina. “Omg narinig ata tayo girl”

Dali-dali akong tumakbo papuntang CR para don ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mga ka klase kung tsismosa. Humahagulhol ako na parang bata sa loob ng CR lahat ng imosyon na pilit kung tinago eh lumabas din. Nasa ganun akong lagay ng may kumalabit sa akin.

Napa angat ako at liningon ang taong kumalabit sa akin. Agad kung nakita ang nag-aalalang mukha ni Rome na inaabot ang panyo nya sa akin. “Ace anu nang yari, bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong di ko dapat sabihin sa report ko tungkol sayo?” batid ko na totoo ang pag-aalala sa mga mata  nya.

Kinuha ko muna ang panyong iniabot nya at pinunasan ang mga mata kung puno ng luha. “Wala, may naalala lang ako Rome.” Ang walang gana kung sabi sa kanya sabay tayo at punta sa gripo para mag hilamos. “tara balik na tayo baka hanapin tayo ni Ma’am.” Sabay lakad papuntang pintuan ng CR.

Pag bukas ko ng pinto nag aabang na pala ang tatlo naming ka klase si Antonet na presidente ng section namin nung 3rd year at yung dalawang tsismosa kung ka klase na sina Angela at Mina.

“Arl pinasundan ka ni Ma’am sa amin kasi nag aalala sya sayo. Kami rin nag-aalala sayo.  Sumama narin itong sina Mina at Angela kasi may sasabihin daw sila sayo.” Si Antonet

Blangko ang mukha ko nang mga panahong iyon. Sa totoo lang, ayoko makipag-usap sa kanila.

“Arl so-sorry  alam kung narinig mo ang usapan namin ni Mina kanina. We didn’t mean to offend you or something. Sorry talaga Arl.” Si Angela na nakahawak sa braso ko at hinahagod ito. “Yeah Arl im sorry. Alam ko bellow the belt ang mga sinabi ko kanina.” Si Mina na nakayuko at di makatingin sa akin ng desetso halatang nahihiya sya.


Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. “okey lang yon.” At nag bitiw ako ng isang malungkot na ngiti sa kanila. “kung pwedi sana ayaw ko na itong pag-usapan pa.” tumango naman ang dalawa. “Hindi ko alam kung anu nang yari at napaiyak nyo itong bestfriend ko pero ganito nalang guys sabay sabay nalang tayo mag lunch para na rin magkakila-kilala na tayo.” Singit naman ni Rome.


“Talaga?” mag kasabay na sabi nina Mina at Angela. “ayos lang sakin. It’s about time na mag bonding naman tayong magka kaklase para makilala natin ang isat-isa. I really want to know Ace more gaya ng sabi mo Ervin. Ang tanong nga lang eh papayag kaya itong si Ace?” ang singit naman ni Antonet na nakangiti ng ubod ng tamis sa akin.

“papayag yang si Supah Ace.” At umakbay sya sa akin sabay sabi na “diba best friend papayag ka?” nakangiti nyang tanong sa akin. Ngiting hindi tatanggap ng sagot na hindi. “ahh… ehh.. anu kasi…”ang na uutal kung sabi. “wala ng anu anu basta aalis tayo mamaya.” Si Rome “okey.” Ang pag suko ko nalang kasi alam ko kukulitin ako nitong lokong to. Sabay sabay silang napa sigaw ng “ALRIGHT!!!”


“sabi sa inyo papayag yan eh” si ace sabay halik sa pisngi ko at gulo ng buhok ko na kinagulat ko ng sobra. “amfefe naman to!!! Bakit mu linawayan mukha ko loko ka!” ang naiinis kung sabi kasi baka ma issue nanaman ako. “sorry naman! Na excite lang ako.” Tawanan silang lahat.


Hindi nalang ako umimik kasi baka sabihin pa nitong si Rome na apektado ako sa halik nya. “tara na guys balik na tayo 5 mins nalang lunch break na natin para masabihan ko sina Red at Carlo about sa plan natin. Lets talk about it while taking our lunch.” Si Antonet.


“abat! Bakit kasama ang dalawang hunghang na yon?” si Mina na halatang inis sa dalawa.
“bakit ba? Dahil ni dineny ka ni carlo? ang may pang inis na sabi ni Angela kay Mina.”
“abat!!!kanino kaba kampi girl?”
“tama na yan guys nan dito tayo para mag-saya hindi para gumawa ulet ng gulo.” Si Antonet na pinutol ang iba pang sasabihin ni Mina.
“Anyway, gustong gusto nina Red na maging ka barkada si Arl. Kaya im sure matutuwa yon na sa wakas napapayag natin si Arl na sumama para gumala.” Si Antonet ulet.


“maganda nga yon eh. The more the better!!!ohheemmgeee Kasama si Red ko ayiee!!! 4 na papa!!! sasama talaga ako!!” ang kilig namang sabi ni Angela.


“Yuck! Red ko? Ok kalang girl? Ang hungang na Red na yon Crush mo? Ang yabang kaya nun at ang kafal ng fis!!!” Iritadong reaction ni Mina na kinatawa naming lahat.


“girl lahat ng 4th year kilalang kilala si Red at lahat ata ng girl at gay ay Crush si Red ko.. hello! Mr. MVP at Mr. Js Prom kaya yon nung 3rd year!”


“tama na yan. Baka kayo naman ang mag-away jan.” ang natatawang sabi ni antonet sa dalawa. Tara na nang makapag lunch na tayo.”
___________________________________________________________________
LUNCH BREAK

“woi tol bakit ka bigla lumabas kanina sa room?” tanong sa akin ni Carlo. Maputi si Carlo at maganda rin ang katawan. Sakto lang sa taas nyang 5,8, Makapal ang kilay na bagay na bagay sa mga mata nitong tila nangungusap. Boy next door ang dating.

“wag mo na tanungin yang si Arl kung bakit. Mag pasalamat nalang tayo pre at sa wakas ma kakabonding na rin natin itong si Arl.” Ang wika naman ni Red. Si Red Ang Campus Crush. Maangas ang dating nito, Moreno pero bagay na bagay ang kulay nito sa tindig at katawan. Mga matang lahat ata ay kayang palambutin sa simpleng tingin lang ni Red. Di na kailangan mag effort kung baga.

“Tama ka dyan Red. Wag na nating kulitin yang si Arl at baka bumalik ang pagiging speechless nean.” Tawanan…


“hindi na mangyayari yon. Dba Supah Ace?” Si Rome na nakangiti at katabi ko sa upuan.
“bakit pala Supah Ace ang tawag mo sa kanya Ervin?” takang tanong ni Angela kay Rome.
“Supah Ace ang tawag ko sa kanya kasi ang room nya ang theme is puro superman. Fanatic tong bestbud ko kay superman.. kaya Supah Ace.” Halatang Ganado si mukong sa pag-kwekwento about sa akin.


“Wow!! Talaga Arl? Ang cool naman nun! Idol ko rin kaya si Superman. Kaso iba ang collection ko.. I love collecting caps.. different kinds of caps.” Si Red
“Ahhh.. ehh.. ito talagang si Rome kung anu-anu sinasabi. Di naman big deal yon dba?” ang nahihiya ko pa ring sagot. Hindi ako sanay na nakikipag usap na ulet ako sa mga ka klase ko. Akala ko mag tatapos ako ng high school na walang ni isang kinakausap sa mga ka klase ko sa st. Mary.



Natapos ang lunch break namin na masaya. May mga bagong kaibigan na magpapatawa sa akin sa natitirang taon ko bilang high school student. Lumabas kami after ng class namin nung hapon. Pumunta kami sa mall at nag ikot-ikot. Harutan, tawanan at kung anu anu pang pweding gawin ng masayang mag kakabarkada. Sa isip ko siguro hulog ng dyos sa akin si Rome kasi kung hindi dahil sa kanya malamang loner pa rin ako hanggang ngayon.


“Guys sa girls section muna kami may bibilhin lang kami ni Mina” Si Angela


“Aba iiwan nyo ko sa kanila? Sama ako may bibilhin rin ako.” Si tonet.


“kita-kita nalang tayo doon sa Jollibee after 30 mins. don nalang tayo mag dinner.” Si tonet ulet


“Cge cge. Ayaw naman naming mapag kamalan na mga alalay nyo.hahaha” ang sabi naman ni
Red sa tatlo. “cguradohin nyo lang na tutupad kayo sa 30 mins na sinasabi nyo.” Pahabol na sabi ni Red sa kanilang tatlo.


“so san tayo ngayon mga pre?” tanong ni Carlo sa amin.


“Oras na para mag hanap ng chicks.hahaha” ang malokong sabi ni Red.


“Chiks mo mukha mo! Ang dami mo na ngang girlfriends nakuha mo pang dagdagan. Anu ka kolektor?” biro ni Carlo na tinawanan naming apat.


“Punta nalang kaya tayo don sa Toms world. Laro nalang tayo? Anu gusto nyo?" Bawing banat ni Red.


“Tange! Wag muna tayo don kulang oras natin na bibitin lang tayo, 30 mins lang babalik na ang mga yon.” Si carlo


Habang busy ang dalawa sa pag-paplanu kung pano namin aaliwin ang aming mga sarili habang hinihintay ang mga ka klase naming babae binulungan ko si Rome..



Itutuloy:

Thursday, September 1, 2011

The Right Time Chapter 2


Salamat po sa BOL for allowing my story to be published. Thank you so much di ko talaga iniexpect.

Ang ganda pala talaga ng feeling kung malalaman mong may nagbabasa sa mga ginawa mo.. hehehehehe thanks thanks thanks!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


CHAPTER 2: The new found friend



Dumating kami sa bahay ni Rome mga 6:30pm na. “wow ganda naman nang bahay n’yo Ace.”Amaze na ewan lang na sabi ni Rome “Sus! Maganda nga wala naman laging tao sa loob. Ala rin kwenta yan.” Ang sabi ko naman na halatang nagmamaktol ang boses. “bakit, asan ba Parents mo Ace?”tanong naman nya na nakakunot ang mukha “papa ko at mama ko busy sa trabaho. Laging out of nowhere.” Sabi ko. “tara pasok na tayo dami mo kasing tanong di tuloy tayo nakapasok agad.hehe” sabi ko ulet para maiba ang usapan.

“Good evening Sir Ace nan dito na pala kayo, himala ang aga niyo atang umuwi ngayon.”si manang leth ang mayor doma ng bahay namin. “si manang leth talaga kung makapang inis wagas!  S’ya pala si Rome ka klase ko.” Pag papakilala ko kay Rome sa aming mayor doma. “Rome sya naman c manang leth mayor doma namin.”pag-papakilala ko naman kay manang leth “Ay good evening sir Rome pasinsya na po kayo kung di ko kayo agad napansin. Matanda na kasi ako kaya mahina na rin ang aking mata.”bati naman ni manang kay Rome. “okey lang po nanay wala pong problema doon.”ang nakangiting wika ni Rome.

“ka bait naman na bata ang galang pa. tara pasok kayo at Sir Ace dito n’yo nalang din pakainin ng dinner ang kaibigan nyo para makilala nia  ang mama at papa mo. “cge manang akyat lang kami sa kwarto para makita nitong si Rome ang kwarto ko.” Sabay hilay kay Rome para di na humaba pa ang usapan.

Umakyat na kami sa kwarto ko. “wow ang galing! Lahat superman! Astig!” ang amaze naman na sabi ni Rome at lumaki pa ang dalawang singkiting mata nito. “naku!!!kung ma shock ka jan parang wagas lang ah. Bata pa ako mahilig na ako sa superman at nung mag highschool nga ako nakapag decide ako na gawan ng theme ang kwarto ko. Kaya puro superman ang display.”ang sabi ko naman sa kanya na may pag-mamalaki ang tono. “na amazed talaga ako. Mula sa paint mo red at blue, may collection kapa ng magazine at isama mo pa ang bed cover mo at throw pillows at ang action figures na d mo talaga inalis sa box lol. Ang adik naman nito Ace!! Ang ganda talaga!” si Rome habang paikot ikot ang mata sa buong room ko.  “hahahah! Para kang sira tingnan mo itchura mo sa salamin oh para kang bata hahahaha!” humahalakhak kung tawa sa kanya.

“how I wish na meron din ako ganitong collection. Palagi kasi kami nalipat ng bahay dahil sa trabaho ni mama kaya puro apartment lang kami.”halata sa mukha niya ang kalungkutan nung banggitin niya ang mga salitang iyon. “ngeks!! Wag kana mag emote jan. diba bestfriend na tayo?”tumango lang siya. “so meaning to say ang room ko ay room mo narin kasi d naman maiiwasan na minsan dito ka mag-sleep over dba? Bigla namang nagliwanag ang mga mata nya at bigla din nya akong niyakap. “salamat supah Ace ah.” Nabigla man ako sa ginawa nya at natawa sa bagong tawag nya sa akin.

“Supah Ace? Anu yon lol ang baho naman nun!” tumawa sya ng ubod ng lakas ang tawa na gustong gusto ko sa kanya. Yung tawang nakakahawa, nakakawala ng problema. “Simula ngayon Supah Ace na tawag ko sayo, kasi mahilig ka sa superman. Hahahahah ayus diba?” binatukan ko sya sa ulo at tumawa na rin ako. “aray bayolente ka pala! Supah Ace wag ka naman mang batok ang sakit kaya!” pag tatampo tampohan nyang sabi “ikaw kasi!!! Ang dami mong alam! Hahaha” nag tawanan ulet kami.”uhmmm Rome. Bitaw na kaya tayo sa yakapan natin. “ namula naman bigla ang mukha nya sabay bitiw “so-sorry.”

OK lang Rome kinikilig nga ako eh!! Ayiieee!

Nakita ko na nahiya sya kaya para pagaanin ang sitwasyon eh sinabi ko nalang na “ok lang yon anu kaba. Teka lang papalit lang ako ng damit para ready na ako pag dumating na sila mommy” sabay bitiw ng isang matamis na ngiti at punta sa cabinet ko para kumuha ng pampalit. Lalakad na sana ako papuntang CR sa loob ng room ko ng bigla syang nag salita. “Supah Ace san ka pupunta?” seryoso nyang tanong na nakakunot pa ang noo “haller! Magbibihis eh san pa?” na weweirdohan ko namang tanong. “pwedi ka naman dito mag bihis ah.. pareho naman tayong lalaki bakit sa CR pa?” kita ko sa mga mata nya ang pigil na pag tawa. Napa isip naman ako. Uu nga pala noh pareho naman kaming lalaki. Pero alam ko naman sa sarili ko na lalaki man ako sa paningin nila iba parin ang gusto ko sa mga gusto ng normal na lalaki.

“gusto ko alng sa CR mag-palit! Anu ba masama doon?” ang naiinis kung sabi sa kanya dahil maluha luha na sya sa pag-pipigil ng halakhak niya. Grrrrrrrrr!! Nakakainis tong lalaking to ah.. pag-tawanan daw ba ang pag-bibihis ko sa cr. Nahahalata na kaya nya kung anu talaga ako? Hmmm iiwan din ako nito pag-nalaman nya ang tunay kong pag katao..

“oh! Relax kalang na hihigh blood ka nanaman eh. Sige na bihis kana.” Naka taas pa nyang kamay na sabi parang sumusuko  sa di pa na uumpisahang argumento.

Di na lang ako sumagot at dumeretso na ako sa banyo para mag-palit ng damit. Baka ma asar pa ako lalo at awayin ko sya. Nag sisimula palang kaming maging magkaibigan, sayang naman kung masisira agad dahil lang sa topak ko. Habang nasa banyo ako na rinig ko naman ang pag strum nya sa guitar ko. Marunong din pala syang mag-guitara. May talent rin pala si kolokoy.

“Marunong ka palang mag guitara? Naks!! Mag kakasunod taU nean.” Ang bungad ko agad sa kanya pag-kalabas ko ng banyo. Lumingon sya sa akin at ngumiti yung ngiting alam mong pilit at alam mong may tinatagong sakit.

“meron na ako masasabi sa report natin sa English tungkol syo. Sigurado mas mahuhumaling mga girls sayo nyan. Hehehe” ang sabi ko ulit para maiba ang atmosphere sa kwarto. “Ito lang ang alam kung kantang tugtugin. Tinuro ito sa akin ng papa ko.” Nakita ko nanaman sa mata nya ang kalungkutan ng sabihin nya ang salitang PAPA.

“Wag kang mag-alala ako bahala jan. Tuturuan kita para dumami pa ang alam mong tugtugin gamit ang guitara” ang nakangiti kung sabi sa kanya sabay kindat. Ewan ko ba ayaw kung nakikita syang malungkot dahil napagdaanan ko na iyon. Alam ko kung anu ang feeling nang nag-iisa kaya as much as possible gagawin ko lahat para pasayahin sya. Magaan ang loob ko kay Rome sa di ko alam na dahilan.
“ang ganda naman ng guitara mo. Pati guitara mo superman din adik ka.” Nakangiti na nyang sabi na halata pa rin na pilit lang.
“syempre naman tingnan mo pati brief ko superman din.hahaha” ang biro ko sa kanya.
“weeh? Di nga? Patingin nga?” sumakay naman si kolokoy.
“AHAHAHA adik ka! Naniwala ka naman na superman brief ko.. hahaha” tatawa tawa kung sabi.

“cge lokohin mo pa ako para sa susunod na mag sabi ka na ng totoo di na talaga ako maniniwala sa iyo.” Ang nag tatampo nyang banat.“
“to naman di kana mabiro. Wag kana tatampo tampo besplend”pag baby talk ko sa kanya.

Sakto naman kumatok si manang leth at sinabing deretso na daw kami sa hapag para kumain. Nag hihintay na daw ang mama at papa ko.

“Rome this is my mom Evette Alberto and my dad Arnold Alberto”ang pag-papakilala ko kina mommy at daddy.
“mom, dad, this is Ervin Rome Ruales my new classmate from Surigao and also my new bestbud.”
“Good evening Mr. and Mrs. Alberto. Ervin Rome Ruales po” nakipag share hands siya kay daddy at nag beso naman sila ni mommy.

“Good Evening din naman sayo iho. Tita evette at tito Arnold nalang since bestfriend mo naman tong anak ko.”si mommy
“Iho your from Surigao right. I have a friend in Surigao a fellow business man.”si daddy

“yes tito I am from Surigao.” Ang nahihiya pa nitong sabi.

“cge kain na tayo. Minsan lang mangyari na makasama namin yang si Ace sa hapag. He always came late. And this is his second time na may pinakilala siyang kaibigan sa amin.”si mama na kausap si Rome pero sakin nakatingin. Di lang ako umiimik at hinahayaan ko lang sila ang mag-usap.

“talaga po tita? Oo nga eh pansin ko nga na hindi siya friendly pag di ikaw ang unang nag approach sa kanya. At siguro natatakot mga ka klase naming sa kanya dahil kanina naka simangot siya habang lumalapit ako sa kanya kasi katabi nya ang vacant seat” ang madaldal na sagot ni mokong.WHAT?!! napansin pala niya na naka kunot noo ko kanina? Teka kanina pa yon ah nung time na nagpapakilala palang siya. Does it mean ako tinititigan niya kanina while he was in front of us?

“naku iho, ako na mag sosorry para sa kanya.. may son is really so reserved. Maski sa amin ng daddy niya ayaw niya makipag usap. Kakausapin lang kami niyan kung may hihingin at kung may bibilhin.”si mama.

“siguro nag tatampo yan sa amin dahil lagi kaming wala sa mga special events sa buhay niya. Pareho kasi kami ng daddy niya na work aholic. Kaya lumaki si Ace sa piling ni manang leth.”si mama ulet.

“im sorry to hear that tita. Pero im sure di naman ata galit sa inyo tong si supah Ace. Baka may tampo lang po pero im sure di yan magagalit sa inyo. Para sa kanya rin naman po yung ginagawa nyo eh.” Si Rome sabay kindat sa akin. Abat! Adik to ah! Bakit kailangan pa niyang sabihin yon at bakit may pakindat kindat pang nalalaman? Si mommy ang kausap, sa akin nakaharap! Amf!!

“thank you iho, it seems Ace found a good friends this time. Yung dati niya kasing mga barkada ay iniwan siya after malaman nila na..” “MA! Lets eat” ang pag-putol ko sa sasabihin ni mama dahil na tatakot ako nab aka itong si Rome eh mawala rin sa akin.

“Don’t worry po tita, I will take good care of him. Bestbud ko to eh.” Si Rome na nakangiti kay mommy na parang inaassure na safe ako sa kanya.
“I can take good care of myself with or without friend.” ang matigas kung sabi na nakayuko.

“pag-pasensyahan mo na itong anak ko Rome. Ganyan lang yan pero mabait yan. Siguro kasalanin din naming pero bumabawi naman kami pag-free kami gaya ngayon.” Si daddy na sumabat na sa usapan.

“okey lang po yon tito. Don’t worry naiintindihan ko po. Sanayan lang yan sa kasungitan nitong bestbud ko. Papa amuhin ko po ito promise.” Ang nakangising sagot nia.

aba!? Tama bang narinig ko? Anu daw? Papaamuhin niya ako? Anu ako aso? Abat loko tong kolokoy na to ah.. tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.

“aray!” si kolokoy na napa sigaw sa pag-tapak ko sa paa niya.

“oh iho! Anu nang yari sayo? Bakit bigla kang napa sigaw diyan?” si mama na takang taka ang mukha.

“ahh..ehhh…hehe nangawit lang bigla ang binti ko tita sorry po.” Sabi ni kolokoy at nakatingin sakin ng makahulugan, parang nagsasabi na humanda ka mamaya. Dinilaan ko naman siya para lalong mainis.

After nang dinner with my family pumunta ulet kami ni Rome sa kwarto para mag bonding at para masimulan na naming ang getting to know 101.


Itutuloy: